Results 1 to 10 of 10

Thread: ULAT PANAHON sa Pilipinas

  1. #1
    Join Date
    Jul 2010
    Location
    outside
    Posts
    2,419
    Points
    20,101
    Level
    98
    Blog Entries
    1
    Thanks
    2,834
    Thanked 3,858 Times in 1,152 Posts

    ULAT PANAHON sa Pilipinas

    mula sa Abante Online

    Tanging epekto na lamang ng intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang mararanasan sa Palawan, Visayas at Mindanao, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).


    Ayon sa inilabas na weather forecast, wala nang epekto ng bagyong ‘Ester’ sa bansa na ngayon ay nananalasa sa bansang Japan.


    Nabatid na ang Palawan, ang Kabisayaan at Minda*nao ay makakaranas ng madalas na maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat.


    Habang ang Kalakhang Maynila ay makakaranas ng bahagya hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkulog-pagkidlat.


    Wala ring nakikitang sama ng panahon o namumuong bagyo ang PAGASA sa labas ng Philippine area of responsibility.

  2. #2
    Join Date
    Jul 2010
    Location
    outside
    Posts
    2,419
    Points
    20,101
    Level
    98
    Blog Entries
    1
    Thanks
    2,834
    Thanked 3,858 Times in 1,152 Posts

    Thursday, august 12, 2010

    mula sa Abante Online

    Makakaranas ng madalas na maulap na kalangitan at pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).


    Sa weather forecast ng PAGASA, makakaranas ng madalas na maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat ang Katimugang Luzon, ang Kabisayaan at Mindanao bunsod ng epekto ng intertropical convergence zone.


    Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pulu-pulong pag-ulan o pagkulog-pagkidlat lalo sa dakong hapon o gabi.


    Samantalang ang kalakhang Maynila ay makakaranas ng madalas na maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat.


    Wala pa ring nakikitang namumuong sama ng panahon sa loob at labas ng Philippine area of responsibility.

  3. #3
    Join Date
    Jul 2010
    Location
    outside
    Posts
    2,419
    Points
    20,101
    Level
    98
    Blog Entries
    1
    Thanks
    2,834
    Thanked 3,858 Times in 1,152 Posts
    FRIDAY, AUGUST 13, 2010

    Makakaasa ng madalas na pag-ulan sa buong bansa, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).


    Sa weather forecast ng PAGASA, ito ay dahil sa umiiral na intertropical convergence zone (ICTZ) sa Luzon at Visayas.


    Ang Luzon, at ang Kabisayaan ay makakaranas ng madalas na maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat.


    Habang ang Mindanao ay magkakaroon ng bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong pag-ulan o pagkulog-pagkidlat.

  4. #4
    Join Date
    Jul 2010
    Location
    outside
    Posts
    2,419
    Points
    20,101
    Level
    98
    Blog Entries
    1
    Thanks
    2,834
    Thanked 3,858 Times in 1,152 Posts

    Sunday, august 15, 2010

    Ang Kalakhang Maynila ay makakaranas ng bahagya hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan at pagkulog-pagkidlat lalo na sa dakong hapon o gabi. Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa Timog-Silangan ang iiral at ang Look ng Maynila ay banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon. Ang tinatayang agwat ng temperatura ay mula 25 hanggang 34 antas ng celsius (77°F hanggang 93°F).


    Ang Hilagang-Luzon at ang Mindanao ay makakaranas ng madalas na maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat. Ang natitirang bahagi ng bansa ay magiging bahagya hanggang sa maulap ang papawirin na may pulu-pulong pag-ulan o pagkulog-pagkidlat lalo na sa dakong hapon o gabi. Ang mga baybaying-dagat sa buong kapuluan ay banayad hanggang sa katamtaman ang magiging pag-alon.

  5. #5
    Join Date
    Jul 2010
    Location
    outside
    Posts
    2,419
    Points
    20,101
    Level
    98
    Blog Entries
    1
    Thanks
    2,834
    Thanked 3,858 Times in 1,152 Posts

    Monday, august 16, 2010

    Patuloy na makakaranas ng maaliwalas hanggang maulap na papawirin ang malaking bahagi ng bansa.

    Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), tanging epekto lamang ng intertropical convergence zone ang mararanasan sa ilang bahagi ng Mindanao.

    Habang ang Palawan at ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay makakaranas ng madalas na maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat.

  6. #6
    Join Date
    Jul 2010
    Location
    outside
    Posts
    2,419
    Points
    20,101
    Level
    98
    Blog Entries
    1
    Thanks
    2,834
    Thanked 3,858 Times in 1,152 Posts
    Martes, Agosto 17

    Isa na namang sama ng panahon ang binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).


    Sa weather forecast ng PAGASA, dakong alas-dos ng hapon nang huling mamataan ang nasabing shallow low pressure area (SLPA) na nasa 270 km silangan ng Virac, Catanduanes.


    Bukod sa nasabing sama ng panahon nakapaloob din dito ang intertropical convergence zone (ITCZ) na makakaapekto sa Gitna at Katimugang Luzon, Visayas at Min*danao na makakaranas ng madalas na maulap na kala*ngitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat.

  7. #7
    Join Date
    Jul 2010
    Location
    outside
    Posts
    2,419
    Points
    20,101
    Level
    98
    Blog Entries
    1
    Thanks
    2,834
    Thanked 3,858 Times in 1,152 Posts
    Lunes, Agosto 23

    Abante Online

    Nalusaw na ang namumuong sama ng panahon na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Luzon.

    Ayon sa weather forecast ng PAGASA, tanging epekto na lamang ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Luzon at Visayas.

    Ang Katimugang Luzon, Kabisayaan at Mindanao ay makakaranas ng madalas na maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat.

    Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagya hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pag-kulog pagkidlat lalo na sa dakong hapon o gabi.

    Habang ang Kalakhang Maynila ay makakaranas ng madalas na maulap na kalangitan na may pag-ulan at pagkulog-pagkidlat.

  8. #8
    Join Date
    Jul 2010
    Location
    outside
    Posts
    2,419
    Points
    20,101
    Level
    98
    Blog Entries
    1
    Thanks
    2,834
    Thanked 3,858 Times in 1,152 Posts

    Agosto 28

    Pang-6 na bagyo nabuo

    Abante Online

    Asahan na magiging maulan ang malaking bahagi ng bansa sa mga susunod na araw dahilan sa tuluyan nang naging bagyo ang isa sa tatlong sama ng panahon ang binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).


    Ayon sa PAGASA, dakong alas-kwatro ng hapon nang mabuo ang nasabing bagyo na huling mamataan ang ika-6 na bagyo na nasa layong 330 kilometro ng kanluran ng Dagupan City.


    Nabatid na ang tropical storm Florita ay nagtataglay ng lakas na hangin na aabot sa 55 kilometro bawat oras (kph) malapit sa gitna at kumikilos sa bilis na 11 kph patungong hilagang-kanluran.


    Samantala, ang dalawang sama ng panahon na nasa layong 770 kilometro ng hilagang-silangan ng Basco, Batanes ay inaasahan namang malulusaw rin agad.

  9. #9
    Join Date
    Jul 2010
    Location
    outside
    Posts
    2,419
    Points
    20,101
    Level
    98
    Blog Entries
    1
    Thanks
    2,834
    Thanked 3,858 Times in 1,152 Posts

    Agosto 30

    ‘Glenda’ nagbabantang manalasa sa Northern Luzon

    Tulad ng inaasahan ay tuluyan nang nalusaw ang bagyong Florita su*balit isa pang bagyo ang nabuo sa Philippine area of responsibility.

    Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), dapat na maghanda ang mga residente sa Northern Luzon sa inaasahang pananalasa ng bagyong Glenda.

    Sinabi ng PAGASA na malakas na bagyo ang inaasahan ngayon dahilan sa bago pa pumasok sa PAR ay isa nang tropical storm ang bagyong Glenda.

    Sa pinakahuling monitoring ng PAGASA, ganap na alas-kuwatro ng hapon nang huling mamataan ang bagyong Glenda sa layong 1,050 kms silangan ng dulong Hilagang Luzon.
    Kumikilos ito sa galaw na pa-hilagang-kanluran sa bilis na 19 kph.

  10. #10
    Join Date
    Jul 2010
    Location
    outside
    Posts
    2,419
    Points
    20,101
    Level
    98
    Blog Entries
    1
    Thanks
    2,834
    Thanked 3,858 Times in 1,152 Posts

    Setyembre 4

    ULAT PANAHON: Bagyo no. 8, palabas agad

    Abante Online

    Pumasok na sa Philippine area of responsibility ang ika-8 bagyo ngayong taon na kasalukuyang nasa dulo ng Luzon, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).


    Sa pinakahuling weather forecast ng PAGASA, dakong alas-kuwatro ng hapon nang huling mamataan ang tropical storm Henry sa layong 850 kms silangan ng hilagang-silangan ng Basco, Batanes.


    Taglay nito ang lakas na hangin na aabot sa 65 kph at pagbugso ng hangin na aabot sa 80 kph kung saan kumikilos ito sa bilis na 15 kph sa direksyon ng kanluran-hilagang-kanluran.


    Subalit ayon sa PAGASA, inaasahan namang lalabas na ng bansa ang bagyong Henry na patuloy na lumalakas habang kumikilos patungong Southern islands ng bansang Japan.

Thread Information

Users Browsing this Thread

There are currently 1 users browsing this thread. (0 members and 1 guests)

Tags for this Thread

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •